78

Jun 10, 2021 @ 21:08
By

Bagong Guinness Record: Ina nagsilang ng 10 sanggol

Viral ngayon ang isang ina sa South Africa matapos nitong manganak ng sampung sanggol sa isang irihan.

Ayon sa Pretoria News report, iniimbestigahan na ng Guinness World Records ang panganganak ni Gosiame Thamara Sithole, 37, para sa posibleng pagbinyag dito ng titulo.

Nanganak si Sithole ng decuplets sa Pretoria noong June 7.

Unang na-detect ng mga doktor na walong sanggol lamang ang nasa sinapupunan ni Sithole pero nalaman na sampu pala ito nang i-caesarean siya.

Pitong lalaki at tatlong babae raw ang mga sanggol.

Dahil dito, inaasahang masusungkit ni Sithole ang World Record title mula kay Halima Cissé, ng Morocco, na nanganak ng siyam na sanggol noong nakaraang buwan.

Maliban sa kanyang decuplets ay mayroon nang 6-anyos na twins si Sithole.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?