43

Oct 21, 2021 @ 16:02
By

Bagong guidelines sa paglabas ng tanders, bagets inilatag

Inanunsyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga guidelines para sa paglabas ng mga bata at senior citizens sa ilalim ng alert level 3 sa Metro Manila.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na maaaring lumabas ang nga bata edad 18 pababa, senior citizens at mga buntis para mag-ehersisyo, pagbili ng essential goods at serbisyo, at para magtrabaho.

Ang pahayag ni Abalos ay ibinase sa guidelines na inilabas ng Inter-Agency Task Force.

“Those below 18 and those belonging to the vulnerable shall be allowed access to: 1) obtain essential goods and services; 2) for work in permitted industries and offices; and 3.) individual outdoor exercises shall also be allowed for all ages regardless of comorbidities or vaccination status,” ani Abalos.

Papayagan ding bumiyahe ang mga nabanggit na kategorya sa inter-zonal travel subalit ibabatay ito sa mga panuntunan ng mga alkalde sa Metro Manila.

Sinabi ni Abalos na papayagang bumiyahe ang mga bata subalit kailangang kasama sila ng kanilang mga magulang o ng isang guardian kahit hindi bakunado ang mga ito. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?