383

Dec 3, 2017 @ 16:24
By

Bagong guidelines ng TNVS, inilabas ng LTFRB

Naglabas na ng bagong panuntunan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB hinggil sa paggamit ng Application- based transport services tulad ng Grab at UBER.

Nakasaad sa Memorandum Circular No.2-17-032 ang implementing guidelines para sa transition period kung saan maaring tumanggap ng mga bagong unit ng sasakyan para sa Transport Network Vehicle Service o TNVS ang Grab at Uber.

Kalakip ng naturang Memoramdum ang pagkonsidera sa mag-asawa bilang iisa at kaparehong operator kahit pa mayroon silang magkahiwalay na Certificate of Public Convenience o Prangkisa. Hanggang tatlong sasakyan lang din ang papayagan na iparehistro o patakbuhin ng mag-asawa sa ilalim ng TNVS.

Ang desisyon ng LTFRB ay makaraang madiskubre ni Chairman Martin Delgra na mayroong mga operator naaabot sa 30 ang mga sasakyang nakarehistro sa ilalim ng TNVS.

Sabi pa ni Delgra, kung lalampas naman sa tatlo ang sasakyan ng mga operator ay maari nila itong i-apply bilang regular taxi, tourist transport o shuttle service. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?