102

Nov 2, 2017 @ 19:53

Bagong grupo kontra EJK, ‘welcome’ sa Malacañang

‘Welcome’ sa Malacañang ang bagong tatag na grupo na tinawag na “Manlaban sa Extra Judicial Killings” na binubuo ng mga abogado, law professors, judges at mga estudyante sa abogasya.

Sinabi kahapon ni acting Presidential Spokesman Harry Roque, makakatulong ang grupo para makapaglatag ng kongkreto at malinaw na mga ebidensiyang magpapatunay na mayroong EJK sa bansa.

Batid ng kalihim na nahaharap sa mabigat na paratang ang ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa EJK, at hindi aniya kinukunsinti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga maling paraan ng pagpatay sa mga drug suspect.

Aminado ang kalihim na nag-iwan ng bahid sa kredibilidad ng PNP ang pagkamatay ni Kian delos Santos kaya ipinag-utos ng Pangulo sa liderato na arestuhin ang mga pulis na sangkot sa pagkamatay ni Kian.

“We welcome that because you see under our existing laws, not just in the Philippines but worldwide, there is not one legal system in the world that does not recognize the principle of presumption of regularity in the discharge of official functions ‘no. The only way by which we can overcome this presumption is if there is controverting evidence. So kung may ebidensiya that the presumption should not apply, the presumption will not be applied. And I welcome this development because unless we can come up with actual evidence na merong extra-legal killings talaga, then we cannot overcome the presumption,” ang paliwanag ni Roque. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?