133

May 30, 2018 @ 14:39
By

Bagong graduates ng San Beda, hinimok ni Duterte na tumulong sa mahihirap

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong nagtapos sa San Beda University na tumulong sa gobyerno at maging instrumento sa pag-agapay sa mga mahihirap na Filipino at marginalized sector.

Ang Pangulo ang panauhing pandangal sa commencement excercises ng San Beda University kahapon na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na sana ay maging kabahagi ang mga nagtapos na estudyante sa pagsulong ng bansa at maging produktibong miyembro ng lipunan.

“As you leave the halls of your alma mater, I ask you to join me in our shared task of uplifting the well-being of our people and looking after the welfare of the poor and the marginalized,” anang Pangulo.

Ang Pangulo ay alumnus ng San Beda, at hinikayat ang mga bagong graduates na maging ehemplo ng kanilang kapwa kasamahan at panatilihin ang pagiging makatao at mapagpakumbaba.

“Let this milestone remind us of the indispensable role of education in charting the course of our youth’s future and in harnessing their potential to become outstanding individuals,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?