2,512

By

Bagong format ng ASAP palpak, Regine-Sarah G. duet nagbuhat – mga netizen

Sharing is caring!

Maraming mga miron sa social media ang pumuna sa bagong format ng ASAP Natin To dahil puro kwento na raw at drama imbes na jampacked performances ang ihatid ng Sunday variety show.

Maraming nakaka-miss ng mga dating segment tulad ng Birit Queens, Soul Session at iba pa.

Kapansin-pansin din na pinuna ng VTR ang show at pati ang mga nagliliyab na dance performances ay nawala rin.

Say tuloy ng mga netizen, tinapos lang nila ang palabas kahit korni na dahil sa inaabangang duet nina Sarah Geronimo at Regine Velasquez.

Dapat daw ay ginawa na lang nilang Sarah G.-Regine concert dahil wala na raw buhay ang iba pang mga part ng show.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?