300

Dec 18, 2017 @ 16:50
By

Bagong EPD chief, umupo na

May bago ng direktor ang Eastern Police District (EPD) sa katauhan ni Chief Superintendent Reynaldo Biay.

Pormal nang magsimulang manungkulan kahapon sa bagong posisyon si Biay, kapalit ni P/Chief Supt. Romulo Sapitula, na nahirang namang bagong director ng Police Regional Office 1 (PRO1).

Bandang 7:30 ng umaga nang isagawa ang turn over ceremony o change of command sa conference room ng EPD headquarters na matatagpuan sa Caruncho Avenue sa Pasig City.

Bago naitalagang director ng EPD, si Biay ay nagsilbi bilang deputy director for administration ng PRO1.

Naging kaklase rin niya sina Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa at Director Oscar Albayalde, na pinuno ng National Capital Region Police Office, sa ilalim ng Philippine Military Academy Class of 1986.

Pinalitan ni Biay si Sapitula, matapos na maitalaga ito sa PRO1, kapalit ni Chief Superintendent Carlo Collado, na nagretiro naman sa serbisyo noong Sabado. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?