30

By

Bagong Diokno Bridge sa Batangas madaraanan na ng mga motorista

Sharing is caring!

Bukas na muli sa mga motorista ang Diokno Bridge sa Diokno Highway sa Calaca, Batangas na dating isinara dahil sa mga pinsala dulot ng malalakas na ulan noong 2016.

Pinasinayaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapasinaya sa tulay na nagsisilbing mahalagang bahagi ng Diokno Highway na dating Tagaytay-Junction–Calaca-Lemery Road.

“Travel time from Tagaytay to Lemery will be greatly reduced by 30-45 minutes because motorists won’t have to go around the longer routes of Tagaytay-Nasugbu Road and Palico-Balayan-Batangas Road,” paliwanag ni DPWH Secretary Mark Villar.

Aabot sa P86.3 milyon ang nagastos ng gobyerno para sa reconstruction ng tulay na sinimulan noon pang unang bahagi ng taong 2017.

Inaasahang makakatulong ang bagong Diokno Bridge para maitaguyod ang turismo sa Tagaytay, Calaca, Lemery, at iba pang kalapit na bayan na mangangahulugan naman ng dagdag na oportunidad sa kabuhayan ng mga residente sa mga nabanggit na bayan.

“Malapit na naman po ang Pasko kaya siguradong dadagsain ng ating mga kababayan ang Tagaytay at Batangas, makakaasa ang lahat na patuloy nating aayusin at papatibayin ang mga tulay at kalsada hindi lang dito kundi sa buong Pilipinas,” pagtatapos ni Villar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }