17

Dec 27, 2020 @ 18:51
By

Bagong COVID binabantayan: DOH tinitingnan travel ban sa ibang bansa

Bubuo ng mga bagong protocol ang Department of Health (DOH) dahil sa pag-usbong ng panibagong variant ng COVID-19 sa ibang bansa.

Sa nilabas na pahayag ng DOH, sinabi na makikipagpulong sila sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases para mahanda ang ilalatag na mga protocol para maiwasan ang pagpasok ng bagong COVID-19, na pinaniniwalaang mas 70-percent nakahahawa.

Pina-review na ni Health Secretary Francisco Duque III sa kanilang technical team at expert para sa mga stirktong control measure para sa mga bansa na may napaulat ng kaso ng naturang bagong COVID-19 variant.

Kasama sa mga bansang ito ay ang Hong Kong, Singapore, Australia at South Africa.

Pinapayagan pa ang pagpasok ng mga manggaling sa mga naturang bansa, ngunit kailangan dumaan sa striktong 14-day quarantine.

Sa ngayon, naka-ban ang mga biyahero mula United Kingdom hanggang Enero. Ito’y dahil unang natuklasan ang naturang variant sa nasabing bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?