7

By

Bagong Comelec commissioner, nanumpa na

Sharing is caring!

Mahigit isang linggo bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Mayo 14, nanumpa na sa kanyang puwesto ang pinakabagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec) na si dating Court of Appeals Justice Socorro Inting.

Si Inting ay nanumpa kay Comelec Acting Chairperson Al Parreño.

Welcome naman para sa iba pang miyembro ng en banc ng poll body ang pormal na pagsisimula ni Inting sa kanyang trabaho sa Comelec.

Ayon kay Parreño, ang pagdating ni Inting ay tiyempo sa panahon na abala na ang poll body sa paghahanda, hindi lamang sa BSKE kundi sa 2019 national and local elections.

Malaking tulong umano ang presensiya ni Inting sa en banc para matiyak na magiging matagumpay ang paghahanda ng Comelec sa dalawang eleksyon.

Nagpasalamat naman si Inting sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga opisyal ng Comelec at tiniyak niya na gagawin niya kung ano ang tama at nararapat.

Si Inting ay itinalagang kapalit ni Commissioner Arthur Lim na nagretiro noong Pebrero ng taong kasalukuyan.

Itinalaga siya bilang mahistrado sa Commission on Appointments noong 2009, at nanungkulan din siya bilang hukom sa Makati City Metropolitan Trial Court at Manila Regional Trial Court.

Sa kalukuyan ay lima na ang nanunungkulang miyembro ng Comelec en banc at kinakailangan pa ng dalawang karagdagang appointee para makumpleto ang komposisyon nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?