40

By

Bagong coach ng DLSU Archers, bigatin!

Matapos mabigong makatungtong sa Final Four sa unang season ni De La Salle coach Louie Gonzales, tatapikin ng Archers ang dekalibreng coach na nagtimon na para sa national team ng Asian contenders.

Si Tim Lewis, dating coach ng Thailand at Qatar ang napipisil na maging sunod na coach ng La Salle para sa susunod na season.

Si Lewis din ay nagsilbing assistant coach para sa Great Britain noong 2012 London Olympics at nakasalang na rin bilang parte ng coaching staff ng Phoenix Suns, Toronto Raptors at Houston Rockets.

Nakasali na rin ito bilang consultant para sa national team ng Pilipinas na Gilas at ng PBA team na TNT Tropang Texters.

Siya ang naging coach ng Qatar sa Fiba Asia World Cup qualifier, kung saan kinalaban ng Pilipinas dito sa bansa ng closed door dahil sa naging parusa noong Australia-Gilas brawl.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?