91

By

Bagong champion sa LOL, asawa ni Lucian!

Love is in the air kahit sa League of Legends sa pagsalang ng bagong champion na may kakaibang backstory.

Sa nilabas na trailer ng Riot, ang developer ng nasabing eSports game, ipinakita ang paghaharap ng dalawang champion na sina Lucian at Tresh kung saan natamaan ng una ang lantern na naglalaman ng mga kaluluwa.

Nang matamaan ito ay nakalaya ang soul ng kanyang asawa na si Senna.

Makikita sa video na gamit ni Senna ang isang malaking rail gun para mailigtas si Lucian kontra kay Tresh.

Hinihinalang magiging role ni Senna sa laro ay isang support marksman, na bagong eksperimento ng League of Legends.

Sa Oktubre 28 ay ilalabas na sa Public Beta si Senna, ngunit ngayon ay walang pang nakakabatid ng kanyang mga skills na dapat abangan ng mga eSports enthusiast

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?