8

Oct 13, 2020 @ 23:52
By

Bagong bukas na gasolinahan, buwenamano holdaper

Nakunan ng CCTV ang panghoholdap ng apat na lalaki sa isang bagong bukas na gasolinahan sa Pagadian City.

Makikita sa video na puwersahang pumasok sa kinaroroonan ng cashier ang isa sa mga suspek sa pamamagitan ng pagbasag sa salamin na pinto habang nagsilbing lookout ang tatlo.

Tinangay ng suspek ang P180,000 na kita ng gasoline station, ayon sa ulat ng “QRT” nitong Martes.

Maging ang baril ng guwardiya ay kinuha rin ng mga holdaper, na pinaghahanap na ng mga awtoridad.

Walang nasaktan sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?