chopper
By

Bagong biling helicopter ng PNP, binasbasan sa Camp Crame

Sharing is caring!

Buwan pa ng Hulyo nakatakdang dalhin sa Pilipinas ang biniling helicopter ng Philippine National Police (PNP) pero naging mas maaga ng tatlong buwan ang pagdating nito.

Binasbasan ngayong araw ang Bell 429 chopper na isa sa tatlong helicopters na binili ng PNP sa halagang P435 milyon.

Sinakyan naman agad ito ni outgoing PNP Chief Ronald dela Rosa at iba pang miyembro ng PNP command group papuntang Baguio para sa kanyang testimonial parade.

Sinabi naman ni Deputy Chief of Staff, Police Deputy Director Archie Gamboa, na kasama sa package ang dalawang linggong pagsasanay sa mga piloto ng PNP sa Estados Unidos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?