133

Sep 26, 2017 @ 14:17

Bagong Big 3 ng OKC

Tumawid na ng Oklahoma City si Carmelo Anthony para buuin ang bagong Big Three ng Thunder.

Magsasama-sama ang All-Stars na sina Anthony, Paul George at Russell Westbrook sa Oklahoma City.

Pumayag na raw ang New York Knicks na i-trade si ‘Melo nitong Sabado, kapalit nina Enes Kanter, Doug McDermott at draft pick, ayon sa source ng The Associated Press.

Bago pumutok ang balita, siniguro pa ng Knicks na inaasahan nila si Anthony na magre-report sa training camp sa Lunes. Pero halata namang ayaw nang patagalin ng Knicks si Anthony sa New York, ayaw na din manatili doon ni Anthony.

Malaking pasabog ang isinalubong kay ‘Melo sa New York noong February 2011.

Contender agad ang Oklahoma City pagdating ni Anthony. Naroon na si NBA MVP Westbrook, at si George na nakuha mula Indiana.

Agad ding magkikita sina Anthony at dati niyang teammates, dahil sa Oct. 19 ay bubuksan ng Knicks ang season nila sa Oklahoma City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?