1,377

By

Bagong ‘Big 3’? Davis, Durant, James magsasama – NBA veteran

Sharing is caring!

Kumpiyansa ang isang 13-year NBA veteran na magkakaroon ng panibagong powerhouse team sa prestihiyosong liga.

Sa naging tweet ng NBA journeyman na si Jarrett Jack, walang kaabog-abog na sinabi na magkukrus ang landas nina kapwa All-Stars Anthony Davis, Kevin Durant, at LeBron James suot ang parehong tasa ng uniporme.

Nang maitanong kay Jack kung seryoso ba siya, sinaad nito na maaari siyang i-quote makalipas ang walong buwan, sa Hunyo kung kailan magsisimula ang free agency period ng NBA.

Ngunit posible bang matuloy to? Kung pagbabasehan ang mga nangyari sa nakalipas na buwan, mukhang hindi malayong mangyari ang nasabing haka-haka ni Jack.

Si Durant nitong nakalipas na araw ay nagkaroon ng iringan sa kanyang teammate na si Draymond Green sa Golden State Warriors, tapos na rin umano ang kanyang pagtanggap ng paycut dahil sa susunod na season, pera na ang kanyang pangunahing pokus.

Habang si Davis naman ay limang taon nang naglalaro para sa New Orleans Pelicans, ngunit dalawang beses pa lang nakatutungtong sa playoffs kung saan laging napapatalsik ng Golden State Warriors.

Kung sakali mang magkatotoo ito, malamang ay sa Los Angeles Lakers na magsama-sama ang tatlo, ang kasalukuyang koponan ni LeBron James, dahil maluwag pa ang cap space ng nasabing koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?