133

By

Bagong barya nakakalito ang disenyo – Nograles

Iginiit ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) partylist Rep. Jericho Nograles sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bawiin ang lahat nang bagong barya o coins.

Ayon kay Nograles, masyadong nakalilito ang mga disenyo nito kaya mas mabuting baguhin na lang.

Sabi ng kongresista, noong limang piso pa lamang ang bagong barya ay litong lito na ang publiko sa pagbabayad sa jeep o kaya ay sa tindahan.

Hindi kumbinsido si Nograles sa paliwanag ni BSP Deputy Governor Diwa Gunigundo na madali namang matukoy ang halaga ng barya kung titingnan itong mabuti.

“Basic design principles for coinage demands that the denominations are easy to distinguish not just visually, but also through touch or tactile differences.” ani Nograles.

Bagsak anya sa dalawang kategoryang ito ang mga bagong barya at mukhang ginawa nang walang konsultasyon.

“It is very clear that the designs initiated during the Aquino administration lacked consultation with any school of the blind. Did the BSP even consider jeepney, pedicab, tricycle, and taxi drivers? Did they consider the visually-impaired, and senior citizens, at all?” punto ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?