165

By

Bagong bahay ni Scottie Thompson ipinasilip

Nakakaapat na taon pa lang sa PBA, umaapaw na ang mga biyaya para sa Ginebra star na si Scottie Thompson.

Sa kanyang latest Twitter post, ipinagmalaki ng tubong-Davao del Sur ang kanyang bagong ipinatayong bahay na bunga ng kanyang pagpupursigi sa buhay.

Maaliwalas ang aura sa bagong bahay ng three-time PBA champion, puro puti ang makikita na bagay sa kalmadong personalidad ng manlalaro.

“From Dream to Reality Always thank the lord for the gift of life,” saad sa caption ni Thompson.

Dumagsa naman ang pabati para sa accomplishment ng 25-year old player, ilan ay ang mga nakakatapat sa liga na sina Gabe Norwood, Ranidel de Ocampo, Diego Dario at kakamping si Sol Mercado.

Bukod sa bagong bahay, ilan na rin ang naging investment ng rebounding expert at tila ayos na ang future matapos ang karera sa basketball. Mayroon siyang fitness gym na Pound for Pound, barbershop na Thompson’s Sports Hair Shop at construction firm na E.S Thompson Builders & Co.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?