382

Sep 6, 2021 @ 14:47
By

Bagong bahay ni Camille Prats dinaig mga mall

Bonggacious ang bagong bahay ni Camille Prats at mister na si VJ Yambao.

Sa isang interview sa telebisyon, sinabi ni Camille na nasa 80 to 90% nang tapos ang kanilang bahay at umaasa siyang matitirhan na nila ito sa December.

Dinaig kasi nito ang mga mall sa laki at taas dahil mayroon itong limang palapag, naglalakihang bintana at balcony.

Bukod doon ay hindi na kailangan pang lumabas ang mag-asawa para mag-ehersisyo dahil mayroon ding gym ang kanilang bagong bahay.

Puwede ring mag-party party dahil may mini bar ito at “mancave” para kay VJ na may TV set, work table at shower!

Kamakailan ipinasilip nila ang ginagawang dream house sa vlog ni Camille.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?