8

Sep 14, 2020 @ 15:59

Bagong baby ni Pau Gasol, pinangalan kay Gianna Bryant

Paniguradong nakangiti ang mag-amang Kobe at Gianna Bryant sa langit dahil sa naging tribute ni Pau Gasol.

Nitong Linggo ay inanunsyo ni Pau at kanyang asawa na si Cat ang pagsilang ng kanilang anak na pinangalan kay Gianna.

“The delivery went really well, and we couldn’t be happier,” ayon sa Instagram post ni Gasol.

Pinangalan nilang Elisabet Gianna ang kanilang anak bilang pag-alala kay Gigi, na isa sa mga nasawi sa helicopter crash sa Calabasas, California.

“A very meaningful name for our super beautiful daughter,” lahad pa ni Gasol, na naging teammate ni Kobe sa LA Lakers kung saan nakasungkit sila ng dalawang kampeonato.

paugasol

Kukuning ninang nina Pau at Cat ang biyuda ni Kobe na si Vanessa Bryant.

“Kob would have loved to have been her godfather,” lahad ni Vanessa. “So touched by your request to honor my Gigi. Can’t wait to hold Elisabet Gianna Gasol.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?