37

By

Bagong army chief dating commander ng Task Force Davao

Sharing is caring!

Nakapili na si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong susunod na hepe ng Philippine Army kapalit ng magreretirong si Army Chief Rolando Bautista.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, susunod na magiging army chief si Army Major General Macairog Alberto.

Si Alberto ang kasalukuyang hepe ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at dating naging commander ng Task Force Davao.

Maituturing na decorated official si Alberto dahil naging recipient ito ng iba’t ibang medalya gaya ng gold cross medal, bronze cross medal at iba pa.

Si Outgoing Army Chief Bautista naman ay nakatakdang italaga ni Pangulong Duterte bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Itinakda sa Lunes, Oktubre 15, 2018 ang Change of Command at retirement ceremony para kay Bautista sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Sinabi ni Secretary Medialdea na naipadala na sa Department of National Defense ang appointment ni Maj. Gen. Alberto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?