22

By

Bagong airport sa Bohol, 2M katao ang kayang serbisyuhan

Sharing is caring!

Kayang i-accommodate ang mahigit 2-milyong pasahero sa unang taong pagbubukas ng tinaguriang ‘Green Gateway to the World’ na Bohol ‘Panglao’ Airport.

Ayon sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr), nagsagawa ng progress inspection ang team at nalalapit na ang pagbubukas ng sikat na Panglao Airport na halos nasa 93.78 percent na itong kumpleto.

Isa ang Panglao Airport na maipagmamalaki ng DOTr dahiil halos eco-friendly ang mga gamit dito.

Ayon kay DOTr project engineer Edgardo Mangalili, halos nasa 90 percent kumpleto na ang airport noong Hunyo at posibleng magbukas ito bago matapos ang taon.

Mayroong 223 hectares ang nasabing airport na posibleng isara muna ang 27-hectare Tagbilaran Airport na nakatakdang ayusin at kayang i-accommodate ng Panglao Airport kasama ang pitong aircraft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?