22

Jan 6, 2022 @ 14:47
By

Bagong agent ng ‘Valorant’ Pinay

Ipinasilip ng Riot Games ngayong Huwebes ang pinakabagong agent sa laro na Valorant, na isang Pinay character na pinangalanang Neon.

Sa isang video clip, ipinakita ng Riot Games ang Pinoy background ng bagong agent lalo nang nagsalita ito ng Filipino statement gaya ng ‘Hay Buhay’ at ‘Kontrolado ko to.’

Sa naturang video rin ay pinatugtog at inawit pa ni Neon ang kantang ‘Entertain Me’ ng Pinay singer na si Ylona Garcia.

Batay sa trailer, may kakayahang gumalaw ng parang kuryente si Neon.

Inaasahang sa susunod na update ng Valorant ilalabas ang bagong agent.

Sasamahan ni Neon sa Valorant ang iba pang mga agent na sina Astra, Breach, Brimstone, Chamber, Cypher, Jett, KAY/O, Killjoy, Omen, Phoenix, Raze, Reyna, Sage, Skye, Sova, Viper, at Yoru.

Ang Valorant ay isang five-versus-five game na barilan ngunit futuristic ang mga karakter at ang lugar na pinaglalabanan, gayundin ang mga sandata sa naturang laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?