74

Nov 13, 2019 @ 16:15
By

Bagong AFP chief, Navy vice admiral lusot sa CA

Kinumpirma ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment nina Armed Forces chief General Noel Clement at Navy Vice Admiral Allan Cusi.

Walang miyembro ng CA ang nagpahayag ng pagtutol sa appointment ng dalawang military official sa pagdinig ng CA national defense committee.

Si Clement ay itinalaga bilang bagong AFP chief noong Setyembre. Nakatakda siyang magretiro sa Enero 5, 2020.

Samantala, si Cusi ay itinalagang pinuno ng Philippine Military Academy noong Setyembre sa gitna ng pagbibitiw ng ilang opisyal ng naturang military school kasunod ng pagkamatay ni Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio.

Una rito, sinabi ni Clement sa pagdinig ng National Defense Committee nitong Miyerkoles ang tanong ni Senadora Risa Hontiveros kung ano ang rekomendasyon ng AFP tungkol sa Martial Law sa Mindanao.

Sabi ni Clement, nasa proseso pa rin sila ng pag-asses sa sitwasyon ng seguridad sa Mindanao subalit irerekomenda nilang panatilihin pa rin ang Martial Law sa ibang lugar sa katimugang Mindanao.

“The current security situation in Mindanao has improved a lot. If we will be asked, it might probably only in certain areas in Mindanao. As I said, a lot of areas have improved security situation,” sabi ni Clement.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?