14

Jul 29, 2020 @ 19:31
By

Bagong AFP chief napili na

Tinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kasalukuyang commanding general ng Philippine Army bilang susunod na Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff.

Papalitan ni Lieutenant General Gilbert Gapay si AFP chief General Felimon Santos Jr., na tutuntong na sa mandatory retirement age na 56 sa Agosto 3.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na hinahanap ni Pangulong Duterte na susunod na AFP chief ay may kakayahan at integridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?