By

Bagon ng MRT kumalas, 100 pasahero naglakad

Sharing is caring!

Hindi simpleng technical problem ang naging sanhi para bumaba ang may 150 pasahero ng Metro Rail Transit 3 at maglakad sa riles sa ilalim ng matinding sikat ng araw sa pagitan ng Ayala at Buendia Stations kahapon ng umaga.

Nabatid na kumalas ang sinasakyang bagon ng mga pasahero mula sa train sets kayat kinailangan na ihinto ang biyahe mula Taft Avenue hanggang Shaw Boulevard alas-9 ng umaga.

Nang makarating pabalik ng Ayala Station ang mga pasahero at makalipas ang kalahating oras ay nagbalik normal na ang serbisyo ng MRT.

Noong Miyerkules, ipinagmalaki ni Transportation Usec. Cesar Chavez na nabawasan na ang ‘unloading incidents’ sa MRT nang bawiin nila sa BURI ang maintenance operation ng mass transport system.

Noong Martes ng hapon, isang babaeng pasahero ang naputulan ng braso nang mahulog sa riles at masagasaan ng isang bagon sa Ayala Station. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?