218

Jul 2, 2020 @ 10:10
By

Bago patayin, 4 sundalo tinutugis 2 bomber

Tinutunton at dapat ay huhulihin ng apat na sundalo ang dalawang hinihinalang bomber sa Jolo, Sulu, ngunit binaril sila ng mga pulis.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac “shooting incident” ang nangyari kaya namatay sina Maj. Marvin Indammog, Capt. Irwin Managuelod, Sgt. Jaime Velasco Jr. at Cpl. Abdal Asula

Giit naman ni Army commander Lt. Gen. Gilbert Gapay, “murder” at “rubout” ang nangyaring insidente.

Wika ni Gapay, natukoy na ng apat na sundalo ang lokasyon at inaalam na lang ang eksaktong lugar kung nasaan ang dalawang bomber.

Pinangungunahan aniya ang grupo ni Indammog na siyang commanding officer ng 9th Intelligence Service Unit sa Sulu.

Ngunit binaril sila pulisya at mamatay.

“Imagine the lost opportunity there. Two bombers who were supposed to be captured and neutralized were able to slip and you know the potential of these two bombers of sowing terror and executing terrorist acts again,” bigkas ni Gapay. “It’s such a waste.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,