49

By

Bago mag-Portland, Melo tanggap nang magretiro

Bagong bahay, bagong numero rin ang ginamit ni Carmelo Anthony pagsampa niya sa Portland Trail Blazers.

Jersey No. 00 na ang three-time Olympic gold medalist.

Huwebes pumutok ang balita na kinuha na ng Blazers ang 10-time All-Star, pero Martes lang siya pumirma ng non-guaranteed contract na hanggang January. Kapag mananatili siya sa Portland, magtutuloy na ang kontra hanggang matapos ang season.

Nasa starting lineup pa si ‘Melo sa laro sa New Orleans. Officially, nasa 17th season na siya sa NBA.

‘Di lang nauwi sa panalo ang debut ni Anthony. Sablay ang 10 sa kanyang 14 na pukol, tumapos ng 10 points at natalo ang Blazers sa Pelicans 115-104.

Nabanggit ni Anthony na bago dumating ang offer ng Portland ay tanggap na niyang posibleng tapos na ang kanyang NBA career. Handa na raw niyang tanggapin.

“I had to get myself mentally prepared for that and I did, to be honest with you,” aniya. “I stayed with it, but there were times where I didn’t want to. I wanted to just say, ‘Forget it, move on with my life, spend more time with my family.’”

Naka-10 laro lang si Anthony sa Houston noong isang taon, November ay binitawan na siya ng Rockets at nawalan na ng team mula noon. Masaya lang daw siya na may nagtiwala pa sa kakayahan niya.

“The greatest feeling of it all was to feel wanted by a group of guys who believe in me and my talent and what I can bring to the table,” panapos ng 35-year-old.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?