83

By

Bago mag-eleksyon para sa pagka-Senate president, ‘private lunch’ pinagsaluhan nina Villar, 4 iba pang senador

Nagkaroon ng private luncheon meeting sa isang hindi pinangalanang lokasyon ang 5 senador, isang linggo bago magbukas ang 18th Congress.

Kabilang sa mga dumalo sa naturang power lunch ay sina Senador Cynthia Villar, Imee Marcos, Bato dela Rosa, Bong Revilla, at Francis Tolentino.

Makikita sa ibinahaging mga larawan ni Marcos sa Facebook ang limang senador na naglulunch habang nagdidiskusyon ng ilang mga bagay-bagay kabilang na ang kanilang susunod na seating arrangement sa main Senate hall.

Isa si Villar sa potential Senate President contender at ang limang senador ay kabilang sa mga hindi lumagda sa manifesto of support para sa incumbent Senate President na si Tito Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?