4,066

Feb 21, 2020 @ 15:26
By

Bago kasal kay Matteo! Yaman ni Sarah G gustong i-transfer ni Mommy Divine – mga netizen

Trending ang ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine dahil sa umano’y panggagatas nito sa singer.

Sabi ng ilang netizen, may ulat na hindi lang pre-nup ang gusto ni Mommy Divine kundi ang ilipat ni Sarah ang lahat ng kanyang ari-arian sa kanila bago ito magpakasal kay Matteo Guidicelli.

Hinaharangan din daw ni Mommy Divine ang wedding preparation dahil tutol siya rito.

May balita ring nanapak ng bodyguard si Matteo sa mismong kasalan nila ni Sarah.

Ito’y matapos umanong dumating si Mommy Divine sa venue ng wedding sa Bonifacio Global City, Taguig, na kinainis ni Matteo.

Nang malaman umano ni Matteo na ang close-in security ni Sarah na si Jerry Tamara ang nagsumbong kay Mommy Divine ay sinapak umano ito ng artista sa lalamunan, base sa report ng Taguig police.

Reaksyon ng mga netizen, dapat palayain na ni Mommy Divine si Sarah dahil 31-anyos na ito at naiahon na rin naman sila sa hirap.

Sumabog na rin ang balita ngayong Biyerne na nag-civil wedding na sina Sarah at Matteo kahapon, Pebrero 20.


“Ang kapal naman ng mukha nakakahiya na talaga si Mommy Divine mukhang pera na,” sabi ni @CLOYfever.

“matteo was obviously sarah’s safe place, and no one has the right to shit on that, not even mommy divine. sarah dedicated 31 years of her life for her family, and imagine doing something for yourself for the first time and a snitch of a bodyguard ruins it for you,” ani @sadtstan.

“Sarah Geronimo deserves to be happy. We can’t judge them because we don’t know the whole story but if it’s true, Mommy Divine should let her daughter live. But one thing I hope is that they will fix everything. At the end of the day they are still family. Best wishes #Ashmatt,” comment ni @biyayahh.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?