859
Bago ka pumanaw, pag-usapan natin ang kapayapaan – Duterte kay Sison
By

Bago ka pumanaw, pag-usapan natin ang kapayapaan – Duterte kay Sison

May naaaninag pang konting pag-asa para sa peace talks sa kilusang komunista sa kabila ng naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sarado na ang pintuan ng gobyerno sa grupo ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison.

Sa kanyang talumpati sa ika-siyam na anibersaryo ng Mindanao Development Authority at ika-25th anibersaryo ng Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area sa Davao City, sinabi ng Pangulo na hindi niya gusto ang estilo ni Sison subalit hindi aniya siya galit sa lider komunista.

Kaibigan aniya nito si Sison at maaari silang maging magkaibigan subalit bago ito pumanaw sa mundo ay magkaroon ito ng panahon para pag-usapan ang kapayapaan.

“I am not saying that I am now in agreement with Sison. I don’t like his style but I do not hate him. We are friends and we can be friends. Some other time they say I would kill for money. But since Sison is my professor, I will kill him for nothing. Except that before he goes to the blue yonder, kindly find time to talk sensible peace,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na 53 taon na ang problema sa insurehensiya at sa tinagal-tagal na panahon ay hindi nagtagumpay ang kilusan kaya’t iminungkahi nito na bumalik sa usapang pangkapayapaan ng walang anumang kondisyon.

Kapag aniya igigiit ni Sison ang mga demand, sinabi ng Pangulo na hindi magkakaroon ng peace talks.

“We have been at it 53 years. I do not think that if you have not succeeded in just about five years, it’s a lost cause. I suggest that we do not make any demands. We go to the table and to talk about it. And if he approaches something which is not acceptable and I would say, ‘No, I cannot accept that’” dagdag pa ng Pangulo.

Idinagdag pa ni Pangulong Duterte na hindi kailanman magkakaroon ng kapayapaan sa bansa hangga’t patuloy na kumikilos ang New People’s Army laban sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?