143

Jul 25, 2018 @ 17:57
By

Bagitong pulis, todas sa pamamaril sa Sampaloc

Dead on the spot ang isang kagawad ng Manila Police Anti-Crime Unit matapos pagbabarilin sa Sampaloc, Maynila noong Martes.

Ayon sa report, iba’t ibang tama ng bala ang tinamo ni PO2 Joel Padre Juan.

Sa kuha ng CCTV, makikitang sinundan ng suspek ang pulis habang binabaybay nito ang G. Tuazon Street sakay din ng motorsiklo at pagdating sa kanto ng Mindoro Street ay pinagbabaril na ang pulis.

Tumakas naman ang hindi pa nakikilalang gunman na nakasuot ng gray na jacket at full-face helmet.

Nasa limang bala umano ng kalibre .45 na baril ang nakuha sa crime scene.

Hinala ng pamilya ng biktima, may kinalaman sa trabaho nito ang motibo sa pamamaslang.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa krimen habang pinaghahanap na ang salarin. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?