7
pulis
By

Bagitong pulis nasagasaan, patay

Sharing is caring!

Basag ang bungo at nagkaba-bali ang buto ng isang pulis-Crame makaraang masagi ang minamaneho nitong motorsiklo ng isang rumaragasang Honda City na minamaneho ng isang bebot sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si PO3 Nasrudin L. Banto, nakatalaga sa PSPG Camp Crame. Siya ay namatay habang ginagamot sa PNP General Hospital.

Agad namang sumuko ang nakabundol sa pulis na nakilalang si Jacquiline Go Yu, dalaga, 35-anyos, online retailer at naninirahan sa No. 80 Dapitan St., Brgy. Lourdes, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng QCPD Traffic Sector, ang aksidente ay naganap dakong alas-6: 25 ng umaga nitong Sabado (Abril 14), sa harapan ng Variant Security Training Center na matatagpuan sa Col. Boni Serrano Ave., malapit sa kanto ng 3rd Avenue, Brgy. Bagong Lipunan, ng nasabing lungsod.

Sakay umano ng Honda motorcycle (1724-TF) ang pulis at habang binabaybay ang kahabaan ng Col. Boni Serrano galing ng southbound EDSA at patungong 3rd Ave, nang biglang banggain ng sinasakyang Honda City (na may conduction sticker no. EO U006) na minamaneho ni Yu.

Dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ang pulis at bumagsak sa windshield ng sasakyan ni Yu bago duguang humandusay sa konkretong semento sa nasabing lugar.

Inihahanda na ang kasong ‘vehicular accident resulting in damage to property with homicide’ laban kay Yu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?