Bagitong pulis ginulpi ng 5 kalalakihan sa Maynila

Sharing is caring!

Bugbog sarado ang isang pulis matapos siyang pagtulungang bugbugin ng mga kalalakihan sa Maynila.

Ayon sa report ni Vonne Aquino sa Unang Balita, nakilala ang biktima na si PO1 Christopher Pizzaro.

Sabi ni Pizzaro, nabangga umano siya ng mga suspek at pinagtulungan siyang gulpihin ng mga ito.

Tumakas ang mga suspek kahit na nagpaputok siya ng baril sa ere.

Matalos ang ilang oras, sumuko naman ang mga suspek sa pangunguna ng isang Kurt Miranda sa Manila Police Station 5.

Ihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?