823

Jan 15, 2022 @ 16:22
By

Bagitong Pinoy boxer bagong IBF contender

Umakyat bilang numero unong IBF bantamweight contender ang Pinoy boxer na si Jade Bornea matapos pabagsakin sa third round ang katunggaling si Mohammad Obbadi ngayong Sabado sa Mexico.

Isang kombinasyon na tinapos ng left uppercut sa liver section ang binitawan ni Bornea sa ikatlong round, na hindi na kinaya ni Obbadi.

Sa sobrang tindi ng tinamong suntok, hindi na nakatayo ang pambato ng Morocco sa bilang ng referee.

Kaya naman, gumanda sa 17-0, 10 Kos ang record ni Bornea.

Bukod dito, siya na ang number one IBF contender sa bantamweight division.

Ang susunod na makakalaban niya ay ang magwawagi sa bakbakang Jerwin Ancajas at Fernando Daniel Martinez, na nakatakdang idaos sa Pebrero.

Si Ancajas ang kasalukuyang may hawak ng IBF junior bantamweight title. (MJD)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?