49
views

By

Bagitong palaban: Mitchell o Simmons?

Sharing is caring!

Tuloy ang mainit na debate kung sino ang magiging NBA Rookie of the Year, pinakamatunog sina Donovan Mitchell ng Utah at Ben Simmons ng Philadelphia.

Noong 2016 pa top pick overall ng 76ers si Simmons, pero sa huling training camp scrimmage ng Philadelphia ay inabot ng broken right foot ang Australian at hindi na nakalaro.

Technically ay ang 2017-18 ang rookie season ni Simmons, at mahalagang piyesa kaya No. 3 sa East ang Sixers.

Si Mitchell ay No. 13 pick ng Denver pero sa draft night ay pinamigay sa Utah. Giniyahan niya ang Jazz sa 48-33 record, No. 5 sa West.

Sa season finale noong Martes, nagsuot si Mitchell ng black hoodie na may nakasulat na dictionary definition ng ‘rookie’.

Simpleng biro at pangiliti lang daw ‘yun kay Simmons na binansagang “redshirt rookie” dahil nagsimula lang sa NBA sa pangalawang taon na niya matapos i-draft.

Kinausap daw siya ng adidas para isuot ang hoodie, nakisakay naman siya sa ‘joke.’

“We just wanted to all have fun with it,” ani Mitchell. “That’s all it is, having fun and just enjoying it.”

Naga-average ang 6-foot-3 combo guard na si Mitchell ng rookie-high 20.5 points per game, fastest rookie sa kasaysayan ng NBA na nagbaon ng 150 3-pointers sa loob lang ng 63 games.

Wala daw siyang pakialam sa award.

“If I win, cool. I’m trying to win games,” aniya. “But I don’t care. I don’t.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?