17

Oct 28, 2021 @ 14:34
By

Bagets sa Tarlac City dedo sa COVID

Kabilang ang isang 10-taong gulang na babae sa mga bagong naitala na nasawi sa COVID-19 mula sa Tarlac City, ayon sa ulat ng lokal na pamahalaan nitong Miyerkoles.

Samantala, ang walo pang nasawi sa virus mula sa nasabing lungsod ay nasa pagitan ng edad 27 hanggang 95.

Sa ngayon, 10 na lamang ang aktibong kaso ng virus sa nasabing lungsod.

Pagdating naman sa buong lalawigan ng Tarlac, 62 ang mga bagong kaso habang 96 ang gumaling. Ang aktibong kaso ay 184.

Nangunguna sa mga aktibong kaso ang mga bayan ng Capas (32), Victoria (31), Camiling (21) at Paniqui (21). (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?