22

Oct 14, 2021 @ 15:57
By

Bagets na ‘missing’ naispatang dedbol sa kakahuyan

Wala ng buhay nang mahanap ng mga awtoridad ang isang limang-taong-gulang na babae sa Goa, Camarines Sur.

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV News, huling nakita ang bagets na naglalaro at pabalik-balik sa isang tindahan bago mapaulat na nawawala.

Nang malamang ‘missing’ na ang bata noong Oktubre 11, agad umno itong ini-report sa mga awtoridad.

Batay sa report, inabot ng magdamag ang mga awtoridad sa paghahanap sa bata at doon na natagpuang wala ng buhay sa kakahuyan sa Barangay Matakla.

Ayon sa ulat, may sugat din sa ulo ang bata na siyang pinaniniwlaan nilang galing sa paghampas ng matigas na bagay.

Bukod dito, iba na rin umano ang damit ng biktima.

Kasalukuyang umaarangkada na ang imbestigasyon sa naturang insidente. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?