28

By

Bagets, kelot arestado sa shabu at sumpak

Sharing is caring!

Dalawang lalaki, na kinabibilangan ng isang menor de edad, ang dinakip ng mga nagpapatrulyang pulis nang maaktuhang may bitbit na sumpak, at makumpiskahan pa ng shabu at mga bala ng shotgun sa Brgy. Old Balara, Quezon City kamakalawa.

Nakadetine na sa Quezon City Police District (QCPD)-Station 6 (Batasan) ang mga suspek na sina Roberto Sapilan, 39, at isang alyas ‘Boy’, 17, kapwa residente ng Brgy. Old Balara.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang maaresto ang mga suspek sa Sapang Kangkong, Brgy. Old Balara.

Kasalukuyan umanong nagpapatrulya sa lugar ang mga tauhan ng Batasan Police Station, sa ilalim ng pamumuno ni P/Supt Rossel Cejas, nang mapuna ang dalawang suspek na kahina-hinala ang kilos, habang si Sapilan ay may hawak pang sumpak.

Kaagad namang binitbit ng mga pulis sa presinto ang dalawa nang makumpiskahan pa ng 10 na plastic sachets ng shabu at dalawang bala ng 12-gauge shotgun, nang sila ay kapkapan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?