253

By

‘Bagets’ cast nag-reunion

Sharing is caring!

Matapos ang 34 na taon, nagsama-samang muli ang mga bida ng 80s comedy film na “Bagets”.

Sa Instagram post ni Eula Valdez, makikitang kasama niya sina Yayo Aguila, Cheska Iñigo, Raymond Lauchengco, Monching Gutierrez at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Hindi naman nakarating sa Christmas dinner sina Aga Muhlach at William Martinez.

Maging sina JC Bonnin at Jobelle Salvador ay hindi rin nakapunta, na kapwa naninirahan na sa ibang bansa.

“Merry Christmas from the BAGETS!” sabi ni Eula sa caption.

Samantala, may sarili ring post sa kanyang IG si Cheska.

“I didn’t have a high school barkada, instead I had these guys. Thank you Lord for sharing them with me. 34 years and counting…,” ani Cheska.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }