46

By

Bag ni Dora, pangbinyag sa mga PBA rookie

Parte ng pagiging rookie ang matinding ‘initiation’ na kanilang pagdadaaanan sa kanilang unang season sa PBA.

Para sa mga bagito ng Blackwater, ang cartoon character na si ‘Dora the Explorer’ ang kanilang magiging ‘binyag’ sa liga.

Ang bruskong si Abu Tratter at Diego Dario ay nakitang may bitbit na Dora the Explorer bag, na ayon sa kanilang assistant coach na si Patrick Aquino ay bigay ng kanilang beterano na si Mike Cortez.

Paliwanag ni Aquino, ‘rookie duties’ umano ang dahilan kung bakit sukbit nila ang bag ni Dora.

Sina Matt Salem at Paul Desiderio rin ay mapipilitang maging bag ito sa kanilang unang taon sa liga, na kahit sa mga laro ay kailangan nilang gamitin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?