Bag na puno ng baril, nahalukay sa basurahan sa Pasig

Sharing is caring!

Naghahanap ng maaaring mapakinabangan mula sa tambak ng basura ang isang lalaki sa Pasig City nang madiskubre niya ang tatlong baril dito, Huwebes ng gabi.

Ayon sa report, naghahalukay si Chito Arreo, 28, mula sa ga-bundok na basura dakong alas-nuwebe ng gabi nang makita niya ang isang itim na bag na puno ng mga baril sa Urbano Velasco Avenue sa Barangay Pinagbuhatan.

Agad isinuko ni Arreo ang mga baril sa Eastern Police District.

Sabi ng pulisya, naglalaman ang bag ng isang Charles Daly .45 kalibre, isang .38 Pietro Berreta pistol, at isang .22 caliber revolver.

Itinurn-over na si Arreo sa Pasig City Police para sa karagdagang imbestigasyon habang ibinigay naman ang mga baril sa Scene of the Crime Operatives para sa ballistics exam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?