140
texting-watching-cellphone
Jan 4, 2020 @ 13:01
By

Badtrip sa nasirang cellphone: Tatay sinapak, binalibag ang anak

Kalaboso ang isang ama matapos ibalabag ang kanyang sariling anak sa kama na nabalian sa iba’t ibang bahagi ng katawan dahil lamang sa nabasag niya ang screen protector ng kanyang cellphone sa Barangay Bata, Santiago City, Isabela noong Biyernes.

Kinilala ng Santiago City Police Station (SCPS) ang suspek na itinagong sa pangalang ‘Rey’, 42, ng nasabing barangay.

Samantala, ayon sa SCPS, hindi na pinangalanan ang batang biktima dahil siya ay 11-anyos pa lamang, ng parehong barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng SCPS, matutulog na sana ang biktima kasama ang kanyang mga kapatid ng biglang dumating ang kanilang ama at hinanap ang cellphone.

Ayon sa pulis, dahil sa bahagyang nabasag ang screen protector ay nagalit ang ama na naging sanhi para bugbugin at pagsisipain sa ulo ang kanyang 11-anyos na anak.

Hindi pa nakuntento Rey, iniuntog pa ang ulo ng anak sa durabox, at tuluyang ibinalibag sa kama.

Dito, nasaksihan ng lola ng biktima ang pangyayari na agad umawat at tumawag sa SCPS na agad tumugon at dinakip ang suspek.

Sa Southern Isabela Medical Center, ayon sa mga medical expert, nagtamo ng galos at bali sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Nakakulong ngayon ang suspek sa SCPS jail ay kasong Violence Against Women and their Children Act ang kinakaharap ngayon ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?