659

Jan 28, 2021 @ 19:36
By

Badtrip sa first dyowa! Unang tikim ni Abby Poblador

Sumalang sa isang nagbabaga at makamundong interview ang sexy model na si Abby Poblador sa ‘Talik Talk’ kung saan isiniwalat niya ang kanyang first time sa pakikipag-sex.

Nilarawan ni Abby ang kanyang ‘unang tikim’ bilang awkward dahil napagbintangan lang naman siya ng kanyang boyfriend noon na hindi na virgin.

“Awkward siya and annoying, kasi ‘yung first boyfriend ko noon pinagbintangan niya ko na hindi na ako virgin dahil nga hindi ako nag-bleed,” kwento ni Abby.

Kinuwestiyon pa lalo si Abby ng kanyang unang dyowa dahil tila bihasa ito pagdating sa sex.

“Basically kung ano ‘yung napanood ko sa porn, pinagagawa ko sa kanya,” sambit pa ng magandang dilag.

“So medyo badtrip syempre kasi virgin talaga ako noong time na ‘yon,” aniya pa.

Tingin ni Abby, hindi siya nagdugo sa unang pakikipagtalik dahil mahilig siyang mag-bike noon.

“Na-enjoy ko pa rin naman kahit papaano,” sey pa niya.

Panoorin ang buong episode sa Youtube at Facebook page ng Abante Radyo Tabloidista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?