143

Apr 22, 2021 @ 18:30
By

Badoy sa nag-donate sa Maginhawa pantry: Itanong saan napunta pera n’yo

Dapat humingi ng accounting ang mga taong nagdo-donate ng pera sa utak ng community pantry sa Manginhawa, Quezon City, ayon kay Presidential Communications Undersecretary Lorraine Marie Badoy.

Ito ay dahil aniya sa sinasabing pagkakaugnay ni Ana Patricia Non o AP Non sa social media, sa mga communist rebel group.

Ani Badoy, nag-aalala siya sa fundraising account na itinatag ni AP Non sa PayPal at pag-alerto sa publiko tungkol sa paghihinalang konektado siya sa rebelde.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Badoy na nakakolekta na agad si AP Non ng kalahating milyong piso, kung saan ibinahagi niya ang weblink at screenshot ng naturang fundraising project.

“Why dollars, I wonder? Dollars for international donors, of course. You know those poor innocent white dudes who have no idea they’re being taken for a ride,” pahayag ni Badoy noong Abril 21.

“To those good hearts who have donated their dollars to AP Non, please ask for a clear accounting. Ask where your money went. Make sure it goes to where you want it to go,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?