13

By

Badolato, Dela Rosa may pa-FMC ngayong Sabado

Sharing is caring!

NASA 39 school teams ang inisyal na mga nagpalista na para sa 24th Fr. Martin Cup 2018 summer basketball tournament na mag-uumpisa sa Sabado, Abril 14 sa St. Placid gymnasium ng San Beda University sa Mendiola, San Miguel, Manila.

Sinabi kahapon ni organizer Edmundo Badolato na mangunguna ang defending champion Diliman College Blue Dragons sa 12 squads kasali sa senior division.

Hinirit naman ni tournament commissioner Robert dela Rosa, na siyam na koponan, kabilang ang current champion National University, ang mga sisiyapol sa women’s side at magdedepensa rin ng titulo ang San Sebastian College sa boy’s junior category na may na 18 ang makikirambol.

Kasama ng Blue Dragons ang reigning UAAP champion Ateneo de Manila University, NCAA titlist SBU Red Lions, University of Sto. Tomas, Arellano University, Emilio Aguinaldo College, Letran College, AMA Computer University, SSSC, Mapua University, University of Perpetual Help SD at De La Salle University.

Kabilang naman sa women’s ang UST, Enderun, Adamson, University of the Philippines, Far Eastern University, DLSU, NU at Centro Escolar University.

Samantalang sa juniors ay ang SBU Red Cubs, Adamson, EAC, Xavier School, PACE, Paco Catholic Foundation, NCAA junior titlist La Salle Greenhills, Diliman Preparatory School, Chiang Kai School College, St. Patrick School, UAAP champion NU Bullpups, First City Providential College-Bulacan, SBU-Manila, Letran at UPHSD.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?