92

Sep 22, 2021 @ 9:55
By

‘Badjao Girl’ gaya-gaya kay Kisses, target sumali sa Miss U

Tila gustong sundan ni Rita Gaviola, o mas kilala bilang si ‘Badjao Girl,’ ang yapak ni Kisses Delavin.

Gusto rin aniya kasing sumali sa Miss Universe Philippines.

https://www.instagram.com/p/CToRYrOp7LS/?utm_source=ig_web_copy_link

“Soon sasali na tayo sa miss u,” caption niya sa kanyang Instagram post.

Taong 2016 nang naging matunog ang pangalan ni Badjao Girl matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother.

Nakilala ang bebot matapos maispatan ang kanyang ganda sa kalsada ng Lucban, Quezon noong ginaganap ang Pahiyas Festival.

Samantala, nakatakdang ikasa ang coronotion night ng 2021 Miss Universe Philippines ngayong buwan. (VA)


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?