70

By

Bading, tinarakan ng 2 teenager

Patay ang isang beki matapos pagsasaksakin ng dalawang teenager sa loob mismo ng kaniyang inuupahang bahay sa Malabon City, Lunes ng hapon.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Manila Central University (MCU) hospital sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Christian Pontanes alyas “Heart”, nasa hustong gulang, make-up artist.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang mga suspek na kinilalang sina Johndel Flores, 18, at isng alyas “Renel”, 18, kapwa residente ng Caloocan City.

Base sa imbestigasyon, alas-11:46 ng tanghali nang dumating sa bahay ni Pontanes ang mga suspek kung saan hiniram pa ng mga ito ang cellphone ng biktima at nag-picture kasama ang nasawi.

Gayunpaman, alas-2:50 ng hapon, sa hindi malaman na dahilan bigla na lamang inundayan ng mga suspek ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima bago mabilis na bumaba ng hagdan upang tumakas.

Dito sila nakita ng dalawang saksi na sina Roan Rosal, 35, at Rose Ann Ramos, 33, kapwa kapitbahay ni Pontanes sa nasabing compound na nakaupo sa hagdan kung saan dumaan ang mga suspek.

Naghinala naman ang dalawang saksi kaya agad nilang pinuntahan ang bahay ng biktima at doon nila nakita ang sinapit saka mabilis na isinugod sa naturang pagamutan.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang dalawang cellphone at isang patalim na ginamit ng mga suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa pagpatay sa biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?