67

Apr 17, 2021 @ 9:48
By

Bading nagamit bilang insulto: Maine nag-sorry sa dating tweet

Humingi ng paumanhin si Maine Mendoza sa kanyang mga dating tweet noong siya’y bata pa at hindi pa aktres.

Sa tweet ni Maine nitong Biyernes, nag-sorry siya sa kanyang mga na-offend sa mga tweet noon, na burado na sa kanyang account.

“Sending my sincerest apologies to those whom I have offended with my tweets way back then. It was my careless self talking and I didn’t mean to offend anyone,” paliwanag ni Maine.

Ang naturang tweet ay nang magamit niya bilang insulto ang salitang bading noon pang 2011.

Napansin din ng mga netizen ang tweet ni Maine tungkol naman kay Taylor Swift, kung saan sinabi niyang hindi niya ganoon kagusto ang country singer.

Madami naman ang nagtanggol kay Maine dahil sa naging pagbabago nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?