588

Nov 14, 2017 @ 20:23
By ,

‘Bading’ na sekyu ‘tinurbo’ ang kapwa guwardiya, arestado

Inireklamo ng kasong rape ang isang sinasabing bading na security guard ang kanyang kapwa guwardiya na umano’y kanyang hinalay sa loob ng kanilang inuupahang kuwarto sa Quezon City, kamakalawa ng hating gabi.

Kinilala ang suspek na si Andrew Ticala, 27, tubong Bayangbang Pangasinan at residente ng No.34-, 8th Avenue, Brgy. Socorro Cubao, Quezon City.

Inireklamo si Ticala ng kanyang kapwa guwardiya na itinago sa pangalang Danny, 24, nakatira rin sa No.34-B 8th Avenue, Brgy. Socorro Cubao.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Romeo Lavarias ng Quezon City Police District, ang pangre-rape umano ng suspek sa biktima ay naganap dakong alas-12:00 ng hating gabi sa loob ng kanilang kuwarto o bed spacer.

Ayon sa report, natutulog ang biktima nang mapansin niyang may nakadagan sa kanyang likuran kaya siya nagising, pero tinutukan umano siya ng baril ng suspek ay sinabing magpaubaya na lang.

Ipinasok umano ng suspek ang kanyang ari sa kanyang puwit hanggang ito ay dumugo at masaktan.

Kinabukasan ay nagreklamo sa mga awtoridad ang biktima kaya inaresto ang suspek na sinasabing ‘bading’.

Nakakulong ngayon ang suspek sa himpilan ng QCPD Station 8 at nahaharap sa kasong rape. (Dolly B. Cabreza/with trainee-Bridgette Caminoc)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?